Biomass Briquetting Machine

       Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya hindi na maikakaila ang patuloy na pagbabago at pagdami ng mga imbesyon. Tila mula sa maliliit na kagamitan tulad ng cellphone hanggang sa malalaking kagamitan tulad ng makinarya ay makikita ang patuloy na pagunlad. Ang Biomass Briquetting Machine ay isa sa mga makabagong makinarya na nabuo ngayong ika-21 na siglo. Ang makinaryang ito ay nakonseptuwalys at masinsinang plinano ng ikaapat na pangkat mula sa seksyon ng STEM 11-05. Ito ay nakaalaan para sa komunidad ng Mataas na Lupa Lipa City upang mabigyan ng solusyon ang kanilang napapanahong problema sa basura. Ang Biomass Briquetting Machine ay isang waste converter na makinarya na kung saan gumagamit ito ng mga nabubulok na basura upang gumawa ng biomass waste briquette. Ang biomass waste briquette ay maihahambing sa isang uling ngunit ang kaibahan nito sa uling ay ang komposisyon sapagkat ang biomass waste briquette ay hango mula sa mga nabubulok na basura mula sa komunidad. Ito ay maaring magamit ng mga residente bilang mas matipid na alternatibong pagkukuhanan ng kuryente/enerhiya at maari din itong gamitin na pangluto upang hindi na sila bumili ng mga LPG gas. Mayroong prosesong sinusunod upang mabuo ang biomass waste briquette at ang Biomass Briquetting Machine ay nakadisenyo upang maayos itong mabuo at maging ligtas gamitin. Mayroong apat na proseso na gagawin ang makinarya upang mabuo ang waste briquette ito ay ang paghahalo at pagtatanggal ng amoy ng basura, paghuhulma, pagbibilad sa araw at ang paggagawa nito sa biomass. Masasabing mas maayos na gamitin ang wastes briquettes sapagkat ito ay matipid at hindi ito makaaapekto sa kapaligiran.

Ang Biomass Briquetting Machine at ang waste briquettes ay nabuo sa pamamagitan ng COAL Inc., ito ay matalinong plinano at masusing pinagisipan upang makatulong na magbigay ng solusyon sa problema sa basura. Masasabing ang pagkakabuo ng makinaryang ito ay magbibigay ng malaking tulong sa mga residente ng Mataas na Lupa sapagkat magkakaroon sila ng alternatibong pagkukuhanan ng kanilang kuryente at masosolusyonan nito ang kanilang problema sa basura. Makatutulong din ang nasabing proyekto upang makatipid sila sa kanilang gastusin sa pang araw-araw. Ang makinaryang ito ay mayroong taglay na kalakasan at ito ay ang pagbibigay ng libre o tipid na alternatibong enerhiya sa ligtas na paraan. Tila hindi na nito kailangan ng gas o mga kemikal upang makapagbigay ng enerhiya. Ito ang magiging daan upang magkaroon ng supply ng kuryente ang mga residente. Makatutulong din ang makinaryang ito upang mabigyang solusyon ang napapabalitang pagkakaroon ng limitadong suplay ng kuryente sa Luzon sapagkat kung ito ang gagamitin ng mga residente ay mababawasan ang demand sa kuryente. Dagdag pa rito, mura ang mga materyales na kakailanganin upang makabuo ng briquette sapagkat nabubulok na basura lamang ang gamit at ang mga basurang ito ang malimit na basurang mayroon sa isang komunidad. Makakatipid rin ang mga residente sa kanilang pagbili ng LPG gas sapagkat ang briquette ay maaari nilang gamitin na pangluto. Kaakibat ng mga kalakasang ito ay ang pagkakaroon ng kahinaan ng Biomass Briquetting Machine. Ang sistema ng makinarya ay bago pa lamang sapagkat hindi ito ang normal na ginagamit ng isang komunidad upang magkaroon ng kuryente. Hindi rin ito ang karaniwang paraan ng mapagkukuhanan ng alternatibong enerhiya kung kaya’t maaring hindi pamilyar sa proseso at gagawin ang mga gagamit nito. Hindi lamang ito, ngunit ang isa pa sa mga nakitang kahinan ng  makinarya ay ang proseso ng paggawa nito. Maaaring hindi mabuo ang briquette kung walang nabubulok na basurang maipon at makuha ang mga residente. Maaring hindi rin makabuo ng briquette kung hindi magiging matiyaga ang mga residente na intayin itong mabuo.

Base sa lahat ng impormasyon ukol sa Biomass Briquetting Machine, masasabi na ang makinaryang ito ay isa paring malaking tulong sa komunidad ng Mataas na Lupa. Isa ito sa mga imbensyong unti-unting makapagbibigay ng solusyon sa napapanahong problema tulad na lamang ng problema sa basura. Bago man ang sistema at kakaiba man ang proseso na ginagawa ng makinaryang ito, kung pagsisikapang pag-aralan ay madali itong magagamit at lubos ding mapapakinabangan. Hindi hadlang ang mga kahinaan ng makinarya upang makatulong na mapabuti ang komunidad ng Mataas na Lupa Lipa City. Isa ito sa mga makinaryang kailangan ng bawat komunidad sagkat isa sa mga layunin nito ay ang mabawasan ang dami ng basura na naiipon. Tiyaga at malasakit lamang ang kailangan upang tamang magamit ang makinaryang ito.

Isinulat ni : Ayeza Easellene B. Fransia

 

iHarvest: Malinis na Tubig mula sa Ulan

Isinulat ni: Louise Abbygayle T. Artista

 

Ngayong panahon ng tag-init dumadating ang problema ng kakulangan sa tubig. Ito ay mas matindi sa mga komunidad na tubig-bukal ang pangunahing pinagkukunan ng tubig tulad na lamang ng Brgy. Banay Banay I, San Jose, Batangas na malaki ang inoonti sa supply ng tubig dahil sa pagkatuyo ng lupa. Ngunit, ang tubig-bukal ay isa lamang sa mga daluyan ng tubig; kung mayroon tayong makukuhang tubig mula sa ilalim, mayroon din tayo makukuha mula sa itaas: tubig ulan.

 

Ano ba ang iHarvest?

     Ang iHarvest ay isa sa mga produktong bunga ng programang CAPSTONE o Community Based Project Addressing Strategically-Themed learning Objectives through Networked Environments, ng paaralang De La Salle Lipa na inaani at nililinis ang tubig ulan upang magamit sa pangaraw-araw na aktibidad . Ito ay isinagawa ng kompanyang EcoWater na binubuo ng walong estudyante mula sa De La Salle Lipa, seksyon ng S11-05 ng ika-11 na baitang, upang bigyang solusyon ang problema sa supply ng tubig ng komunidad ng Banay Banay I sa San, Jose Batangas. Ang produktong ito ay isang drum na mayroong wired mesh sa may buka nito na magsisibing tagasala ng malalaking dumi tulad dahon at sanga, at sa loob nito, sediment-removing na pre-filtration system na binubuo ng mga suson ng graba, buhangin, uling, at bulak at bacteria-removing na UV filtration system. Sa paggawa ng konsepto ng produktong ito, layunin ng mga mag-aaral na magkaroon ang komunidad ng alternatibong pagkukunan ng tubig (maliban sa tubig bukal), makapagbigay ng access sa malinis na tubig sa komunidad, at mabawasan din ang tubig-ulan na magiipon sa lupa na maaring magresulta ng pagbaha.

 

Mga KALAKASAN ng Produkto

     Sa mga layunin na tinatag ng kompanya sa paggawa ng konsepto ng iHarvest, makikita ang kalakasan ng kanilang produkto. Una, pinapababa nito ang pangangailangan sa tubig-bukal ng komunidad na siyang pangunahing pinagkukunan nila ng tubig base sa nakalap na datos ng mga mag-aaral noong nagsagawa sila ng kanilang data gathering sa komunidad, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng alternatibong pagkukunan ng tubig, ang ulan. Ang tubig-ulan kung ikukumpara sa tubig bukal ay mas maganda sapagkat ito ay mas malinis, at mas madaling makuha dahil ang komunidad ay nasa isang tropical na bansa kung saan madalas umuulan, habang ang tubig-bukal ay nangangailangan pa ng balon o poso para makakuha ng tubig. Sa pamamagitan ng pagaani ng tubig-ulan, nababawasan din ang tubig-ulan na nabagsak sa lupa na nagdudulot ng pagbaha, na siyang ikalawang kalakasan ng produkto. Pangatlo, ito ay nagpapababa ng bayarin sa tubig sapagkat ang tubig-ulan ay isang libreng pinagkukunan ng tubig at ang produkto naman ang bahalang maglilinis nito. Huli at pangapat, ang pre-filtration system na binubuo ng graba, buhangin, uling at bulak, ay kailangan paltan buwan-buwan, pero madali lamang paltan sapagkat ang mga materyales na ito ay maaring makuha sa paligid. Malaki at mabigat din ang klase ng drum na ginamit sa produkto kaya madami itong maiipong tubig at hindi itong madaling madadala o matutumba ng hangin.

 

Mga KAHINAAN ng Produkto

     Sa kabila ng mga kalakasan nito, mayroon din itong mga kahinaan. Isa na dito ay ang kawalan nito kakayahan na maproseso ang tubig upang mainom ng tao. Pangalawa ang pangangailangan nito ng kuryente upang gumana ang UV Filter. Huli at pangatlo, ang pangangailangan ng pre-filtration system nito na paltan buwan-buwan na maaring ikatamad ng gumagamit na magreresulta sa maduming tubig.

 

———————————————————–

 

Pangkalahatang Opinyon

     Matapos ko timbangin ang mga kahinan at kalakasan ng produktong iHarvest, nagtapos ako sa isang konklusyon na ito ay isang magandang produkto na magbibigay sa mga tao ng alternatibong pagkukunan ng tubig, kaya naman ito ay isang rin epektibong produkto para sa problema ng Brgy. Banay Banay I, San Jose, Batangas sa supply ng tubig. Bilang tugon sa mga narebyu kong kahinaan ng produkto, inirerekomenda ko sa mga gagamit nito na panatilihing malinis ang pre-filtration system nito sa pamamagitan ng pagpapalit nito buwan-buwan lalo na’t hindi ito gagana nang maayos kapag hindi ito naisagawa. Inirerekomenda ko din sa kompanya na maglagay ng butas sa parte ng produkto kung san mapupuno na ang lalagyan nila ng tubig upang hindi matigil sa may filtration systems ang tubig-ulan na inani at lilinisin.

Continue reading “iHarvest: Malinis na Tubig mula sa Ulan”

SCF CONVERTER: Meinard Alicarte

Ang CAPSTONE ay isang “Community Action Based Project” na kung saan ang tungkulin ay matulungan ang isang napiling komunidad ng bawat klase. Ito ay ipinatupad noong A.Y 2017-2018 o noong grade 10 kami. Ang layunin nito ay matanggal ang mga humahadlang sa pagkaunlad at suliraning mayroon ang isang komunidad. Layunin din nitong maturuan ang mga mag-aaral upang makahanap ng solusyon sa suliraning ito. Bawat antas ay may iba’t ibang proyekto at ngayong naasa baiting 11 na kami, inaatasan kaming gumawa ng isang produkto na makapag bibigay solusyon sa problemang kinakaharap ng komunidad na napili ng bawat grupo sa CAPSTONE.

capSTONE

Ang komunidad na napili ng grupo namin ay ang Barangay San Carlos. Napili namin ito sapagkat ito ang komunidad na sa tingin naming ay may malaking problema at sa tingin namin ay matutulungan namin. Ang produktong nabuo namin ay ang “Styro-Carbon Filter Converter” na kung saan masosolusyuan nito ang problemang meron ang Barangay San Carlos ukol sa pagkakaroon ng maduming tubig. Masasabi kong mas natitimbangan ng kalakasan ng produkto namin ang kahinaan mayroon ang produkto namin. Maraming kalakasan ang produkto namin, isa na dito ang materyal na kinakailangan ng produkto namin, ang “Styrofoam”. Ang “Styrofoam” ay isa sa napakaraming materyal na makikita dito sa pilipinas. Ito ay madalas makikita sa mg “Fast food chains” bilang lalagyanan ng mga pagkain at inuman. Madals din itong gingamit tuwing may pagtitipon o “birthday” bilang lalagyanan ng yelo o tubig. Isa pang kalakasann ay sa kadahilang pumapatay kami ng dalawang ibon gamit lamang ang isang bato dahil sa paggamit ng “Styrofoam” nababawasan namin ang kalat na ito at ginagamit ito sa pagpapa-andar ng produkto namin. Ang kahinang nakikita ko sa aming produkto ay ang pagkawala ng interes ng mga mamamayan sa produkto namin ngunit sa tingin ko ay sa kaunting pakikiusap sa mga mamamayan ay makukumbinsi namin silang gamitin ang produkto namin

 

Sa pag lalahat, maayos ang produktong ginawa namin. Ang produktong ito ay nag bibigay ng mas maraming kalakasan kesa sa kahinaan. Ito ay makakatulong sa napakaraming tao, hindi lamang sa napiling komunidad namin kundi sa iba pang komunidad kung ito ay mapipiling ipagpatuloy. Ito ay pumupuksa ng maduduming tubig at ginagawa itong malinis na puwedeng gawin inumin. Ito ang mga dahilan kung bakit maayos ang produktong ginawa ng grupo namin.

BI-CYCLE: Man-Powered Waste Shredder

Ni: Kenneth Carandang

Maraming problema sa Barangay Balintawak ang nararanasan ng mga residente. May mga problema sa enerhiya, tubig at iba pa. Ang pinakanangungunang problema na nararanasan ng mga residente sa Barangay Balintawak ay ang waste management. Ito ay malimit na nagiging problema sa kanila dahil wala silang tamang pag tatapunan ng kanilang mga basura. Ang De La Salle Lipa ay nagsasagawa ng mga proyekto sa mga estudyante upang matulungan ang komunidad. Tinatawag nila itong proyektong ito bilang CAPSTONE. Upang matulungan at maresolbahan ang komunidad ng Barangay Balintawak, kaming pangkat 5 ng S11-05 ay gumawa ng produkto na tinatawag namin na BI-CYCLE.

Ang BI-CYCLE ay isang waste shredder na pinapatakbo ng tao sa pamamagitan ng pagpepedal gamit ang bisikleta na nakakabit. Ang aming BI-CYCLE ay nagpapaliit ng mga basurang nabubulok at mga recyclable na materyales na pwede maging magamit muli sa pagbubuo ng bagong produkto o gawing pataba sa mga halaman. Hinihiwalay din nito ang mga basura at ipinupunta sa tamang lalagyan para maayos at malinis. Gumagamit kami ng mataas na kalidad na materyales upang siguruhing matibay ang aming produkto. Ang BI-CYCLE ay binubuo ng mga parte na ito: bicycle, pedal, connecting pole, connecting gears, shredder box, funnel opening, funnel wall, separator, opening shield, bearings, metal pole stand at bin. Ang BI-CYCLE ay binabahagi ng mga materyales katulad ng metal sheet, bicycle, metal gears, metal pole, bicycle chain, grease at bearing. Ang kalakasan ng BI-CYCLE ay nakakapag ensayo ka habang napapaliit ang mga basura. Simple lang ito gamitin at hindi basta basta mawawasak dahil sa kalidad. Isa pang kalakasan nito ay pwedeng gamitin ang mga napaliit na basura bilang bagong materyales o pataba ng halaman. Alam nating lahat na kahit anumang produkto ay mayroon ding kahinaan at inaamin ko na meron ang amin. Isa na sa kahinaan ay ang katamaran, pwedeng tamarin ang mga gagamit nito dahil nakakapagod din naman gamitin ang produkto. Mahirap man aminin pero dahil sa simpleng simple lamang ng produkto, pwede nilang ayawan ito dahil hindi masyadong nakaka agaw pansin ang produkto kundi isa lamang itong waste shredder.

Sa pangkahalatan, ang aming produktong BI-CYCLE ay isa lamang napakasimpleng produkto pero kayang makatulong sa komunidad. Sinisigurado namin na ang produkto ay epektibo at pwede sa lahat. Hindi man mukhang kaakit-akit pero nakakasiguro ito namakakapagpabawas ito ng problemang waste management sa komunidad ng Barangay Balintawak o kahit saan man na ganito rin ang problema. Bilang isang miyembro ng pangkat 5 ng S11-05, tumutulong kami sa mga komunidad na mabigyan solusyon ang mga problema nila na ukol sa kanilang mga basura na gusto nilang mapapunta sa tamang lugar.

BBM

Ang basura ay isa lamang sa mga bagay na nakakapagpasira ng ating mundo kung kayat dapat lamang tayong maging responsable sa ating mga basira. Isa sa pangunahing problema na kinakaharap ngayon ng brgy mataas na lupa ay ang mga nabubulok na basura. sa pagdami ng mga nabubulok na basura ay nangangailangan narin tayo ng agarang solusyon dito, kung kayat ang aming grupo ay nakaisip ng paraan sa pamamagitan ng CAPSTONE project na pinapalakad ng De La Salle Lipa na kami ay makagawa ng isang produkto na aming pinangalanang BBM o Biomass Briquetting Machine na makakatulong sa pagbabawas ng basura na nakakalat sa lugar.

Ang Biomass Briquetting Machine ay isang makenarya na kung saan ang mga basura ay unang hinahati sa maliliit na piraso gamit ang blender na nakasama sa makenarya pagkatapos ay ang mga basura ay dumederecho sa molder upang ang mga iginiling na mga basura ay magka mayroon ng hugis o kaya naman ay korte. Itong produktong ito ay lubos na makaktulong dahil mababawasan nito ang nga nakakalat na basura sa paligid mg brgy mataas na lupa sa pamamagitan ng pagpuputol putol ng basura sa maliliit na piraso na gagawing briquettena pwedeng gawing pamalit sa uling. Dahil dito mababawasan na ang mga pagputol ng puno para lamang gawing uling.

Bilang konklusyon ang aming produkto ay pwedeng maging isang paraan ng pagbabago. sa aming produkto magkakamayroon ng kabuluhan ang nga basura na nakakalat kung saan saan. gamit ang aming produkto pwede natin pagpatas patasin ang mga basura na ating makukuha nang sa gayon ay hindi na pakalat kalat ang basura. sa ganitong paraan malaki ang maitutulong sa kalikasan.

iHarvest

– Jericho Bautista

Bilang bahagi ng De La Salle Lipa , ang mga estudyante ng baitang-11 senior high
school ay sumali sa proyekto ng CAPSTONE na ibig sabihin ay Community Based Project Addressing Strategically-Themed learning Objectives through Networked Environments. Kasabay nito, pinili ng mga mag-aaral ang komunidad sa Brgy. Banay Banay I, San Jose, Batangas kung saan gagawin ng grupo ang kanilang CAPSTONE. Nang isagawa ng mga mag-aaral ang kanilang pagtitipon ng datos sa kanilang napiling komunidad, natutunan nila na ang pinakamalaking problema ng komunidad sa kanilang suplay ng tubig ay ang biglaang pagkahina ng daloy o kawalan ng tubig.


Ang grupo ay nakaisip ng produkto na ang tawag ay iHarvest. Ang layunin ng produktong ito ay mangolekta ng tubig-ulan at ang magandang punsyon nito ay kayang linisin ang tubig-ulan upang maging isang ligtas na tubig na maaaring magamit sa mga pang-araw-araw na gawain tulad ng paglalaba, pagligo, atbp. Maganda ang istraktura ng produkto, ito ay isang dram na gagamitin sa pag-iimbak ng tubig at madaling ilipat ito sa lugar kung saan malakas ang ulan, may gripong nakakabit sa dram para makakuha ng tubig. Ang kahinaan ng produktong ito ay ang kawalan ng ulan, kapag bihira lang umulan ay kakaunti o wala ang nakolektang tubig.

Masamang gamitin ang produkto sa panahon ng tag-init dahil bihirang umulan sa komunidad. At maganda naman gamitin ito sa panahon ng tag-ulan sapagkat maraming tubig ang maiimbak sa pagtaas ng posibilidad ng pag-ulan. Sa paglipas ng panahon, unti-unting nawawala ang ating mga likas na yaman kaya dapat tayo matutong magtipid at magkapagisip ng bagong solusyon laban sa pagkaubos ng ating likas na yaman.

iHarvest: Ano ga naman ito?

“Ano ga naman ito?” Ayun ang una kong naisip pagkatapos makita ang aming ginawang prototype na tawag ay “iHarvest”. Sa una, nakakalito kung ano ba naman ang ginagawa nito. Pano ba ito maghaharvest? Anong ihaharvest natin? Sinagot naman ako ng aking kagrupo, “Yung ulan ang ihaharvest.”. Dito ko nakuha kung ano ang gagawin ng iHarvest para sa Barangay Banay Banay I.

iHarvest

Ang iHarvest ay isang makinang binuo ng aming grupo para matugunan nito ang ang isyu ng pagkawala o paghina ng daloy ng tubig sa Brgy. Banay Banay I, San Jose, Batangas. Layunin nitong makabigay ng alternatibong kuhanan ng malinis at libreng tubig. Makakatulong din ito sa tag-ulan sapagkat nakokolekta nito ang mga tubig na galing sa ulan para magamit sa pang-araw-araw na gawain at para mabawasan din nito ang bahang nangyayari sa Barangay. Natutulong din nito ang tao sa pagtipid ng kanilang bayaran sa water bill.

Dati pang nararanasan ng Pilipinas ang kakulangan sa tubig. Matagal nang binabala sa atin ng mga opisyal at iba pang siyentipiko ang patuloy-tuloy na pagbawas at pagkaubos ng malinis na inuming tubig sa buong mundo. Oras na para maghanap ng solusyon. Ano ga naman ang iHarvest? Ang sagot: unang hakbang para sa kinabukasan.

Roy Fitzgerald C. Torres

BBM: Produktong makabago, para sa mamamayang Pilipino

FORTU,Jose Carlos M. S11-05

Isang grupo ng mga mag-aaral ay nagsagawa ng isang pag-aaral sa isang komunidad sa lungsod ng Lipa, sa Batangas. Ang grupo ng mga mag-aaral na it ay nagnanais na makapagbigay ng solusyon sa mga problemang kinahaharap ng komunidad. Matapos ang pag-aaral ay napagalaman na ang pangunahing problema sa Barangay Mataas na lupa ay ang basura. Matapos ang masusing pag-aaral upang mabigyang solusyon ang hinaing ng Barangay hinggil sa basura, nabuo ng grupo ang BBM o ang Biomass Briquetting Machine.

Ang inspirasyon sa pagkakabuo ng BBM ay mula sa mga Briquetting Machine na nabuo sa ibang mga bansa, ngunit ang BBM ay naiiba sa mga ito. Ang karaniwang Briquetting Machine ay gumagamit ng mga kahoy at pinaglagariang kahoy (saw dust), ngunit ang BBM ay gumagamit ng mga nabubulok na basura o biomass waste. Ang BBM ay binubuo ng mga bakal na materyales, kaya’t sadyang makikita ang tibay ng produkto. Sa bawat proseso ay makabubuo ito ng apat na bloke ng briquettes na maaari pang magayat at mapaliit.

Ang konsepto ng BBM ay nilikha upang magbigay ng mga posetibong epekto at magbigay solusyon sa mga problema ng komunidad. Madaming posetibong naidudulot ang BBM sa komunidad at sa kapaligiran. Una ay ang pagbibigay solusyon nito sa problema hinggil sa basura. Hindi lamang basura sa Mataas na Lupa ang mabibigyang solusyon ng BBM kung ito ay mailalabas saa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang pagbuo ng BBM ay lubusang mss mura kaysa sa ibang briquetting machine, kaya’t mas may kakayahan ang mga mamayan o mga barangay na magkaroon ng isa. Ang BBM ay mas mmadaling gamitin kumpara sa ibang briquetting machine, sa kadahilanan na ito kahit sino ay magkakaroon ng kakayahan na gumamit nito. Hindi din nangangailangan ang BBM ng madaming tao upang gumana.

Kagaya ng ibang mga produkto ay mayroon din namang mga negatibong bagay tungkol sa BBM. Una dahil ito ay mula sa konsepto ng mga estudyante at hindi mula sa propesyonal na mga inhenyero hindi matitiyak ang pagiging epektibo ng makinarya. Sa kabuuan ang BBM ay may magandang epekto at hangarin na mabigyang solusyon ang mga problemang kinahaharap ng mundo partikukar na sa basura. Ang mga paraan ng BBM naman ay magiging epektibo upang mabigyang solusyon ang problema sa basura. Ang negatibong bahagi ng produkto ay hind naman magiging hadlang sa pagiging epektibo nito. Ang BBM sa kabuuan ay isang makabagong produkto na magbibigay solusyon sa problema sa basura.

iHarvest: Solusyon-Aksyon

Ang iHarvest ay isang rain-accumulating machine na makapagbibigay ng alternatibong pagkukunan ng tubig na maaaring gamitin ng mga tao sa pang-araw-araw nilang gawain. Ang proyektong ito ay nabuo sa kadahilanan ng malimit na paghina at pagkawala ng tubig sa Brgy. Banay-Banay I, San Jose, Batangas. Layunin nito na mabigyan ng sapat na malinis at libre na reserba ng tubig ang mga taga Banay-Banay I at bawasan ang dami ng tubig na pumapatak sa lupa na nagdudulot ng baha.

iHarvest 3D Model

Ang iHarvest ay marapat lamang na tangkilikin sapagkat ito ay makakatulong sa paglilimita ng tubig-ulan na bumabagsak sa lupa upang maiwasan ang pagbaha. Makakatipid din ito sa water bill sapagkat ito na ang magsisilbing reserba ng inyong tubig. Nakakatulong din ito sa paglimita ng demand para sa tubig-bukal (pangunahing pinagkukunan ng tubig ng mga taga Banay-Banay I) sapagkat limitado lamang ang tubig na makukuha mula roon.

Noon pa nararanasan ang problema sa tubig, hindi lang sa Metro Manila, kundi sa buong bansa. Matagal nang nagbababala ang mga eksperto hinggil sa anila’y lumalalang problema sa tubig, lalo na sa malinis na inuming tubig sa malaking bahagi ng mundo, at hindi nga umano ligtas sa “water crisis” na ito ang Pilipinas. Panahon na para gumawa ng komprehensibong hakbang, panahon na para sa iHarvest.

-Andrealou Alexis Castillo

i-Harvest

-Mykel Niccolo A. Narvaez

Ang Banay-Banay I ay kilala sa pagkakaroon ng pangkabuhayan sa agrikultura. Sa pagkakaroon ng ganitong uri ng pamumuhay, napakahalaga ng tubig para sa pangaraw-araw nilang aktibidad. Mula sa aming isinagawang interbyu sa mga residente ng Banay-Banay I, ilan sa mga problema na aming natuklasan ay ang kalinisan ng tubig. Ang problemang ito ay ang ugat ng aming proyekto upang mabigyang solusyon ang kalimitang problema ng mga residente sa Banay-Banay I. Sa aming proyekto, nais nitong magbigay ng malinis na tubig at magisislbi ding alternatibong pagkukunan ng tubig kung sakaling mag kulang ng pangangailangan ng tubig lalo na sa araw ng tag-init na kung saan ay isa sa mga problemang hinaharap ng ating bansa.

i-Harvest 3D model

Sa aming proyekto, ang i-Harvest ang makabagong solusyon sa mga residente ng Banay-Banay I para sa kalinisan ng tubig na kanilang ginagamit araw-araw. Ang i-Harvest ay isang makina na binubuo ng isang tanke na may laman na dalawang proseso ng paglilinis ng tubig upang maging malinis at ligtas ang paggamit ng tubig. Ang tubig na pinoproseso ng i-Harvest ay mula sa tubig ulan at direstong nililinis ng i-Harvest na kung saan ay libreng at sa tipid na paraan ang pagiipon ng tubig dito. Hindi lang ito maaring resolba sa kalidad ng kalinisan ng tubig kundi ito rin ay nakatutolong upang magkaroon ng reserbang tubig sa tuwing panahon ng tag-init na kung saan ang kakulangan sa tubig ay laganap. Ang ginamit namang materyales nito ay madaling hanapin sa merkado dahil sa simpleng desineyo at istraktura nito upang madali ang pagpapanatili nito at pagsasaayos kung sakaling may pagkukumpuni. Sa pagkakaroon ng simple at murang kagamitan nito ay may kaunti itong epekto sa kalidad ng pagkakagawa dahil upang mabigyang solusyon ang kakulangan ng budyet para sa isasagawang proyekto. Ang i-Harvest ay para sa lahat ng tao lalo na sa isang sambahayan dahil napakadali nitong gamitin.

Sa panahon ngayon, napakahalagang pangalagaan ang ating likas na yaman dahil sa paglaganap ng krisis nito marahil sa araw araw na akitbidad ng tao. Bilang isang tagapangalaga ng likas na yaman ng bigay ng Diyos, isang malaking tulong ang i-Harvest dahil maari itong resolba upang hindi na mag sakripisyo ang mga tao sa probinsya at mga puno, halaman at iba pang likas na yaman upang magpagawa lamang ng mga “dams” upang magimbak ng tubig para sa pangangailangan ng tao at ng iba pa. Hindi lamang ito nakapagbibigay ng alternatibong at ligtas na paraan sa pagkuha ng tubig, nakapagbibigay din ito ng kalidad at malinis na tubig dahil sa proses nito ng paglilinis ng tubig. Makatutulong din ito upang mabawasan na ang iba’t ibang paglaganap ng sakit ng tao na isa sa mga dahilan ay dahil sa tubig na kanilang ginagamit at iniinom.