Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya hindi na maikakaila ang patuloy na pagbabago at pagdami ng mga imbesyon. Tila mula sa maliliit na kagamitan tulad ng cellphone hanggang sa malalaking kagamitan tulad ng makinarya ay makikita ang patuloy na pagunlad. Ang Biomass Briquetting Machine ay isa sa mga makabagong makinarya na nabuo ngayong ika-21 na siglo. Ang makinaryang ito ay nakonseptuwalys at masinsinang plinano ng ikaapat na pangkat mula sa seksyon ng STEM 11-05. Ito ay nakaalaan para sa komunidad ng Mataas na Lupa Lipa City upang mabigyan ng solusyon ang kanilang napapanahong problema sa basura. Ang Biomass Briquetting Machine ay isang waste converter na makinarya na kung saan gumagamit ito ng mga nabubulok na basura upang gumawa ng biomass waste briquette. Ang biomass waste briquette ay maihahambing sa isang uling ngunit ang kaibahan nito sa uling ay ang komposisyon sapagkat ang biomass waste briquette ay hango mula sa mga nabubulok na basura mula sa komunidad. Ito ay maaring magamit ng mga residente bilang mas matipid na alternatibong pagkukuhanan ng kuryente/enerhiya at maari din itong gamitin na pangluto upang hindi na sila bumili ng mga LPG gas. Mayroong prosesong sinusunod upang mabuo ang biomass waste briquette at ang Biomass Briquetting Machine ay nakadisenyo upang maayos itong mabuo at maging ligtas gamitin. Mayroong apat na proseso na gagawin ang makinarya upang mabuo ang waste briquette ito ay ang paghahalo at pagtatanggal ng amoy ng basura, paghuhulma, pagbibilad sa araw at ang paggagawa nito sa biomass. Masasabing mas maayos na gamitin ang wastes briquettes sapagkat ito ay matipid at hindi ito makaaapekto sa kapaligiran.
Ang Biomass Briquetting Machine at ang waste briquettes ay nabuo sa pamamagitan ng COAL Inc., ito ay matalinong plinano at masusing pinagisipan upang makatulong na magbigay ng solusyon sa problema sa basura. Masasabing ang pagkakabuo ng makinaryang ito ay magbibigay ng malaking tulong sa mga residente ng Mataas na Lupa sapagkat magkakaroon sila ng alternatibong pagkukuhanan ng kanilang kuryente at masosolusyonan nito ang kanilang problema sa basura. Makatutulong din ang nasabing proyekto upang makatipid sila sa kanilang gastusin sa pang araw-araw. Ang makinaryang ito ay mayroong taglay na kalakasan at ito ay ang pagbibigay ng libre o tipid na alternatibong enerhiya sa ligtas na paraan. Tila hindi na nito kailangan ng gas o mga kemikal upang makapagbigay ng enerhiya. Ito ang magiging daan upang magkaroon ng supply ng kuryente ang mga residente. Makatutulong din ang makinaryang ito upang mabigyang solusyon ang napapabalitang pagkakaroon ng limitadong suplay ng kuryente sa Luzon sapagkat kung ito ang gagamitin ng mga residente ay mababawasan ang demand sa kuryente. Dagdag pa rito, mura ang mga materyales na kakailanganin upang makabuo ng briquette sapagkat nabubulok na basura lamang ang gamit at ang mga basurang ito ang malimit na basurang mayroon sa isang komunidad. Makakatipid rin ang mga residente sa kanilang pagbili ng LPG gas sapagkat ang briquette ay maaari nilang gamitin na pangluto. Kaakibat ng mga kalakasang ito ay ang pagkakaroon ng kahinaan ng Biomass Briquetting Machine. Ang sistema ng makinarya ay bago pa lamang sapagkat hindi ito ang normal na ginagamit ng isang komunidad upang magkaroon ng kuryente. Hindi rin ito ang karaniwang paraan ng mapagkukuhanan ng alternatibong enerhiya kung kaya’t maaring hindi pamilyar sa proseso at gagawin ang mga gagamit nito. Hindi lamang ito, ngunit ang isa pa sa mga nakitang kahinan ng makinarya ay ang proseso ng paggawa nito. Maaaring hindi mabuo ang briquette kung walang nabubulok na basurang maipon at makuha ang mga residente. Maaring hindi rin makabuo ng briquette kung hindi magiging matiyaga ang mga residente na intayin itong mabuo.
Base sa lahat ng impormasyon ukol sa Biomass Briquetting Machine, masasabi na ang makinaryang ito ay isa paring malaking tulong sa komunidad ng Mataas na Lupa. Isa ito sa mga imbensyong unti-unting makapagbibigay ng solusyon sa napapanahong problema tulad na lamang ng problema sa basura. Bago man ang sistema at kakaiba man ang proseso na ginagawa ng makinaryang ito, kung pagsisikapang pag-aralan ay madali itong magagamit at lubos ding mapapakinabangan. Hindi hadlang ang mga kahinaan ng makinarya upang makatulong na mapabuti ang komunidad ng Mataas na Lupa Lipa City. Isa ito sa mga makinaryang kailangan ng bawat komunidad sagkat isa sa mga layunin nito ay ang mabawasan ang dami ng basura na naiipon. Tiyaga at malasakit lamang ang kailangan upang tamang magamit ang makinaryang ito.
Isinulat ni : Ayeza Easellene B. Fransia







