Bi-Cycle ang Makabagong Pagbabago

by Kennethyn A. Cuello

Sa kasalukuyang panahon, tayo bilang pilipino ay maraming hinaharap na problema. Isa na sa mga problemang ito ang problema sa basura. Malaking problema ito ng bansa sapagkat ang tanging solusyon lang natin ay landfills o pagsunog. Dito papasok ang CAPSTONE Initiative o ang Community-based-Action-Plan-addressing-Strategically-Themed- Objectives-through-a-Networked-Environment ng De La Salle Lipa. Dito makikilala ang ika limang grupo ng S11-05 at ang kanilan produkto. Ang hangad ng produkto nila ay mapaunti ang mga basurang nagagawa ng barangay at ng mabigyan ang basurang ito ng makabagong buhay bilang raw materials o fertilizer na magagamit ng barangay sa ikabubuti nila. Ang produkto ng mga istudyante ay tinatawag na Bi-Cycle.

Ang Bi-Cycle ay may hangad na mabawasan at mabigya ng bagong buhay ang mga basurang nagagawa ng komunidad. Hingil nito na bigyan ng paraan ang komunidad na magamit ang mga basura para sa ikabubuti nila at ng kalikasan. Sumasangayon sa layunin ng mga istudyante, ang Bi-Cycle nila ay gawa din sa mga recycled o refurbished na mga bagay tulad ng bisikleta, gears, kadena, bakal na poste, aluminium sheet, at bearing. Ang ginagawa ng produktong ito ay ang pag shred at pag grind ng mga basurang ilalagay ng mga residente ng barangay upang maging compact ang mga basurang ito at mas madaling i-recycle. Maaring magkalagay ang mga residente ng kahit anong basurang recyclable at non-recyclable upang mashred ito at mas mapaliit. . Ang Bi-Cycle ay iba sa mga ibang shredder sapagkat hindi lamang isa ang benepisyo nito, ngunit apat ang makukuhang benepisyo. Ito ay G.O.A.L Good Health, Opportunity to help the environment, Agricultural help, at Livelihood benefit din. Ang mga prosesong susundin para gamitin ang produkto ay ayon sa nakasulat. Una, kunin ang basurang gustong i-shred at siguraduhing maalinman sa recyclable o non-recyclable ito. Pangalawa, ilagay ang basura sa loob ng funnel. Pangatlo, sumakay sa bisikleta at mag pedal hangang sa mashred na ang basura. Pangapat, kunin ang bin sa ibaba ng produkto at ilagay ito kung saan man gusto.

Ang Bi-Cycle ay magiging malaking tulong sa komunidad na babagsakan nito. Hindi lamang ito tutulong sa pamamahala ng basura, ngunit madami rin ito magiging benepisyo sa mga residente ng barangay. Isa itong eco-friendlyna produkto at gawa rin ito sa recycled at refurbished na mga materyales.Magiging matagumpay ang proyektong ito kung lahat tayo magsisipag tulungan, mga istudyante at mga residente ng barangay. Lahat magtutulungan para sa iisang goal, at yun ay ang pagbubuti ng ating kalikasan.

SCF Converter: Ang Imbensyon na Super

Isang rebyu ni Francine Mital

Invention is the root of innovation. Innovation is the major force to change in the future.

Philippe Kahn, (n.d.)

Ayon kay Philippe Kahn “Invention is the root of innovation. Innovation is the major force to change in the future.”, na nagpapakita ng kahalagahan nang paggawa ng mga makabagong solusyon at imbensyon na makakatulong sa pag-unlad ng kalidad ng buhay sa isang komunidad. Ang mensaheng ito ay naging inspirasyon ng pangkat 1 ng S11-05 sa kanilang CAPSTONE kung saan naggawa sila ng isang prototype o proyekto na nag-uusad ng makabagong solusyon sa mga problema ng lipunan. Ang imbensyong ito ay maaaring magbigay ng pagbabago na ninanais ng isang komunidad na nakakaranas ng mga isyung panlipunan katulad ng problema sa basura at kalinisan ng tubig. Sa mga nabanggit na problema ay maaari itong magdulot ng mga sakit at karamdaman sa kalusugan at pamumuhay ng isang tao kaya’t nararapat itong mabigyan agad ng kongkretong mga solusyon na lubos na makakatulong sa komunidad. Ang proyektong ito ng pangkat 1 ay ang Styro-Carbon Filter Converter (SCF Converter), ito ay makatutulong na maiwasan ang mga isyung panlipunan at mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang komunidad upang mapaunlad ang kalidad ng kanilang pamumuhay.

Styro-Carbon Filter Converter

Ang SCF Converter ay nagbibigay daan upang masolusyunan ang dalawang isyung panlipunan sa pamamagitan ng paggamit ng styrofoam bilang isa sa mga kagamitan na magpapagana ng makina upang gawin itong activated carbon. Ang SCF Converter ay nangangailangan ng styrofoam, stainless steel, drill, makeshift grinder, thermometer, heating element with controller, strainer, phosphoric acid at trays upang makamit ang mga inaasahang gamit nito. Ito ay binubuo ng tatlong mga sangay a.) The Grinding Process; b.) The Melting Process; at c.) The Activating Process. Sa Grinding Process, inilalagay o pinapasok ang mga styrofoam at ginagawang maliliit na piraso upang mapadali ang pagtunaw nito at magkasya sa loob ng SCF Converter. Samantala, ang Melting Process ay binubu ng 3 magkakaibang antas upang maging maayos ang pagtunaw at maging Carbon ang styrofoam. Bukod pa rito, ang Activating Process ay gumagamit ng Phosphoric Acid upang masiguradong ito ay magiging activated carbon na mula sa styrofoam. Kaya nga’t ang styrofoam ay isang non-recyclable dahil ito ay mabubulok sa mahabang panahon at isa ito sa mga materyales na naglalabas ng matinding gas emissions, at dahil diyan, makakatulong ang imbensyon na ito na mabawasan ang epekto ng landfills sa mundo at sa global warming. Bukod pa rito, ang activated carbon na inilalabas ay maaaring gamitin na panlinis o filter ng mga maruruming tubig kung saan maaaring makatulong na pandagdag sa malinis na tubig habang nakakabawas ng panganib sa mga tao na magkasakit.

Ang imbensyon na ito, kung ginamit nang maayos, ay may potensyal na pagaanin ang mga isyu sa kapaligiran sa isang mahusay at eco-friendly na paraan. Maaari itong magbigay ng pagbabago dahil sa dobleng layunin nito na mapawi ang hindi wastong pangangasiwa ng basura, at mahinang sanitasyon ng tubig. Maaari lang pagisipan ng isang tao kung gaano karami ang mga tao na naghihirap ngayon dahil sa kanilang kakulangan ng malinis na tubig, at dahil sa kanilang hindi malinis at hindi masustansyang paligiran. Ang mga taong mayaman o nasa mas mataas na klase lamang ang maaaring magkaroon ng mas mahusay na pamumuhay dahil sa kanilang mga pera, ngunit dahil dito, yung mga taong walang pera ay walang opportunidad na magkaroon ng mas masustansya na pamumuhay at hindi makakamit ang kanilang mga pangangailangan. Ang malusog na pamumuhay ay hindi dapat maging luho kundi isang pangunahing karapatan para sa lahat. Sa pamamagitan ng pagpapagaan sa mga isyung ito, ang SCF Converter ay magiging isang makabagong at napapanatiling imbensyon na makakatulong na mapabuti ang kalidad ng buhay ng lahat para sa mga susunod na henerasyon.

Probio Food Digester

By: Joshua Gabriel C. Mendoza

Ang Probio Food Digester ay mayroong layunin na naglalayong matugunan ang pangangailangan ng komunidad hinggil sa tumataas na bilang ng tirang pagkain at maging eco-friendly. Ang produktong ito ay gumagamit ng materyales na may matataas ng kalidad tulad ng: stainless steel drum, drain pipe sealing plug, PVC net pipe, Aluminum flat range hood filter, hose Bibb Faucet VC gas hose LPG pipe, wire cage, power cable, heat lamp at stainless steel gas valve handle. Ang ginagawa nito ay ang pagproseso ng mga organiko at tirang pagkain upang maging isang biogas na magagamit bilang isang renewable source of energy sa pagluluto ng bawat kabahayan at kainan o karinderya. Mayroong mga hakbang ang produktong ito para magamit ng maayos at hindi masira. Unang proseso ay ang paghahanda ng mga kinakailangan tulad ng tirang pagkain at uling. Ang mga organiko at tirang pagkain ay pagsasamahin at hahaluin upang ito ay maging pinong durog at maglabasan ang mga katas nito. Pagkatapos diretsyong ilalagay ito sa loob ng Probio Food Digester sa pamamagitan ng PV inlet pipe at tatakpan ng drain pipe sealing plug upang walang pumasok na oxygen sa loob ng produkto. Sunod na ilalagay ang uling sa wire cage at hahayaang nakalagay doon ng mga dalawa hanggang tatlong oras upang mawala ang hindi kaaya-ayang amoy ng pinaghalo-halong organiko at tirang pagkain. Bubuksan ang heat pagnailagay na ang uling at lumipas na ang tatlong oras, pinapabilis nito ang anaerobic digestion para magkaroon ng reaksyon ang mga microorganism. Papatayin ang heat lamp makalipas ang limang oras at hahayaan ang microorganism ang gumawa ng trabaho sa loob ng pitong araw. Pagkalipas ng ika-pitong araw ng paghihintay maaari nang gamitin ang biogas na naipon sa Probio Food Digester upang gamitin na panluto ng mga kabahayan at kainan o karinderya sa pamamagitan nang pag konekta ng PVC gas hose LPG pipe sa mga kalan. Ang isa pang karagdagan na benepisyo nito ay ang mga naprosesong tirang pagkain ay maaaring gamitin na pataba sa mga halaman at pananim sa komunidad.

Ang Probio Food Digester ay isang malaking tulong sa komunidad na tumataas ang bilang ng basura sa kanilang lugar. Layunin nitong makatulong sa pagbawas ng mga tirang pagkain at ito ay eco-friendly. Mayroong magandang epekto ito sa komunidad dahil magkakaroon sila ng magandang kalamangan sa produktong ito dahil sa biogas at ang gumagawa ito ng pataba sa lupa. Ang kailangan lang naman natin sa ngayon ang magtipid sa mga yaman at ang malaman ang kahalagahan ng kapaligiran para sa atin dahil kung nagagawa natin ito ay hindi na natin kailangan pang pag-isipan pa ang mga problemang ito. Tandaan natin na sa atin nagsisimula ang pag-unlad at pagbabago ng ating mundo.

Ito ang mga miyembro ng ikatlong grupo ng S11-05:

John Darren Guiterrez
Rey Willard Malicse
John Rhusmann Cezar
Joshua Gabriel Mendoza
Angel Mark Verain
Aliya Oracion
Beatriz Palomillo
Sherie Nicole Villena

i-Harvest

ni Ma. Angela C. Godoy ng S11-05

Sa Barangay Banay-Banay I ng San Jose, Batangas, ang mga mamamayan ay hinaharap ang hamon na bila na lang humihina ang kanilang water supply. Kaya ang isang kompanya na tawag “EcoWater” ay gumawa ng isang prototype na nagaani ng malinis na tubig galing sa tubig-ulan.

Ang i-Harvest ay isang prototype na nagaani ng malinis na tubig galing sa tubig-ulan. Ito ay nakakatulong bilang isang alternatibong mapagkukunan ng malinis na tubig para magamit sa iba’t ibang gawain sa bahay, maliban lamang sa pagiinom. Ang i-Harvest ay mayroong isang pagbukas sa taas na nakataligid; na tinatakpan ng wired mesh, pampaalis ng mga labi tulad ng dahon at hindi hadlangan ng pagsasalang ng tubig. Mayroong dalawang sistema sa pagsasala ng tubig: isa ay pampatanggal ng mga sediment o mga maliliit na bato, at isa para sa pagtatanggal ng bakterya. Ang una ay mayroong mga elemento na tulad ng pinong buhangin, graba, at activated charcoal. Samantalang yung isang pangsala ay binubuo ng UV light, at iyan ang pampatanggal ng mga bakterya.

Sa produkto na ito, nakakabigay rin ito ng epekto sa Banay-Banay I, dahil sa kanilang hamon sa kanilang water supply, at magiging libre ang pagkukuha ng malinis ng tubig para sa mga mamayan ng barangay Banay-Banay I.

F2E: ProBio Food Digester ng Biospectric Corporation

Isinulat ni John Rhusmann D. Cezar

Introduksyon

Ang produktong F2E (food to energy) Biogas digester ay ginawa upang magkaroon ng panibagong buhay ang mga patapong basura lalo na ang mga tiratirang pagkain. Layunin ng produktong ito na gawing reusable energy fuel ang mga food waste kung saan maaring itong gawing LPG gas na ginagamit upang magluto. Kasama na rin sa plano ang pag kakaroon ng solusyon sa problema ng komonidad ng barangay 2 Mataas na kahoy sa pagdami ng food waste gawa ng mga kainan sa paligid ng barangay.

Tungkol sa proseso na ginagamit ng produkto (Anaerobic Digestion)

Ang produktong ito ay gumagamit ng isang natural na proseso na tinatawag na Anaerobic Digestion kung saan pagkalipas ng araw ang mga tiratirang pagkain ay ilalagay sa isang saradong lalagyan na kung saan ay walang makakapasok na oxygen kung saan makalipas ang ilang araw sa tulong ng microorganism ay mag magkakaroon ito ng mga reaksyon sa tiratirang pagkain at mag lalabas ng methane na maaring gamitin bilang fuel/gas. Kung gusto ng mas malalim at siyentipiko na explanasyon ay puntahan lang ang link na ito. ( https://www.e-education.psu.edu/egee439/node/727 )

Kalakasan ng Produkto.

  • Kakaiba at hindi pa ganun ka talamak sa ating bansa
  • Nag bibigay ng panibagong gamit sa patapong bagay na madalas walang silbi
  • Binabawasan ang kabuoang naipong food waste ng isang komunidad
  • Mas mabuti sa kapaligiran natin kaysa sa LPG (liquefied petroleum gas) na ginagamit ng karamihan
  • Makakatipid dahil nalilimitahan nito ang gamit ng LPG

Kahinaan ng Produkto

  • Komplikado ang proseso pati narin ang paggamit ng produkto
  • Mahal ang isang produkto (Php 20,000 – Php 25,00)
  • Panghalip lamang sa LPG ngunit hindi pamalit
  • Matagal ang paghihintay upang makagawa ng Biogas

Konklusyon

May mga kahinaan man ang produktong ito ay nakikita kong mas malaki at mas marami parin ang magiging magandang epekto nito sa ating lipunan lalo sa panahon ngayon kung saan nakikita na natin ang epekto ng pagiging pabaya natin sa ating kalikasan gayun pa man kahit na may mga kahinaan ang produkto na ito ay maganda parin ang layunin at ang ideya sa pag gawa ng produktong ito nakikita ko na malaki ang magiging epekto kapag naging polido at maayos ang pag iimplementa dahil maraming mga establisyemento ang makikinabang dito lalo na ang mga nasa larangan ng pagkain, mga kainan na sikat o kahit karinderya man ay lubos na matutuwa sa ganitong produkto, dahil yung bagay na tinatapon nila ay pwede pa nila gamitin upang mas makatipid at dumami ang kita kasabay narin nito ang pagtulong sa kapaligiran. kaya naman ay nakakagalak na mayroon ng teknolohiya na kagaya nito na maaring mapadali ang buhay ng bawat tao pati narin ang pag iwas sa pagkasira ng ating inang kalikasan. Sana naman ay marami pang produktong kagaya nito ang lumabas sa merkado.

Mga tao na bumubuo sa kompanya na Biospectric

~END~

iHarvest: Ano sa tingin mo bes?

3D Model ng iHarvest

ni: Ma. Arabela C. Rodriguez

Maraming problema ang nararanasan ng mga mamamayan tungkol sa pagpapatubig, tag-init man o tag-ulan. Sa panahon ngayon, isang buhos lang ng malakas na ulan ay nagdudulot na kaagad ito ng matinding baha sa ibang lugar lalo na doon sa mga mabababa. Minsan naman, sa kahit anong pagkakataon ay nagkakaroon ng water shortage sa ibang lugar. Sinasabi na isang produkto ang ginawa para maresolba ang mga problemang ito – iHarvest. Akin itong hinanap at sinubukan kung makakatulong nga ba ito na maresolba ang mga nasabing problema.

Noong akin itong makita ay wala akong napuna na kakaiba sa panlabas na itsura, kamukha lang din ito ng ordinaryong drum na kalimitan nating ginagamit ngunit pag sinilip ito sa loob ay doon makikita ang mga sangkap na bumuo rito. Ayon sa aking pananaliksik, may tatlong layunin ang iHarvest: 1) magkaroon ng sapat na reserba ng tubig sa mga kabahayan, 2) magbigay ng malinis na tubig na maaaring gamitin kahit saan bukod lamang sa pag-inom at 3) upang mabawasan ang problema sa pagbaha na dulot ng malakas na ulan. Sinasabi na sa loob ng drum na iyon ay maraming patong ng mga pangpiltro. Paano nga ba ito nagana? Ang produktong ito ay dapat nakapwesto sa parte na hindi natatakluban ng bubong para kapag umulan ay agad nitong masasalo ang tubig. Sa pinakaibabaw  nito ay mayroong screen na magsasala ng mga malalaking dumi tulad ng dahon na minsan ay kasabay ng ulan sa pagbagsak na dulot ng malakas na hangin. Matapos doon ay magsisimula na ang pre-filtration process. Dadaan ang tubig sa gravel, fine sand, fine gravel, activated charcoal, fine sand, activated charcoal, fine sand, activated charcoal, cotton at panghuli, sa UV light. At para makakuha ng tubig, mayroon itong gripo sa ibabang bahagi. Ano nga ba ang tingin ko sa iHarvest? Ating alamin!

Matapos malaman ang layunin, kung paano nagana at ang resulta ng iHarvest may mga ilang bagay akong napagtanto, may magaganda at mayroon ding hindi kagandahan. Ang magagandang bagay kong napansin ay: 1) sapat ang naiipon nitong tubig para sa pangaraw-araw na gamit, at 2) ligtas gamitin ang tubig kahit sa pagluluto. Ang hindi naman maganda na aking napansin ay: kung naubos na ang tubig at hindi umulan, mawawalan ng reserba na tubig ang isang kabahayan. Sa tingin ko, maganda ang magiging dulot ng pagkakaroon ng iHarvest sa bawat kabahayan. Kalimitang nawawalan ng supply ng tubig tuwing may bagyo dahil na rin sa pagkawala ng kuryente at kung mayroong iHarvest na magrereserba at maglilinis ng tubig ulan, wala ka nang poproblemahin pa. Kaya bes, subukan mo na itong iHarvest!

Biospectric Corporation: Probio Food Digester

Isinulat ni: John Darren A. Gutierrez

FURNISHING POSSIBILITIES, DESIGN FOR SUSTAINABILITY

Sa buhay ng isang tao hinding-hindi maiiwasan ang mga problema at isyung personal at panlipunan. Ang bawat suliranin na ating kinahaharap ay mabibigyan natin ng kaukulang solusyon bilang isang nagkakaisa at nagtutulungang mamamayan ng ating lipunan. Sa pagdaan ng panahon nagiging moderno at umuunlad na ang ating kaalaman ukol sa teknolohiya kung kaya’t maraming mga produkto at makina ang naiimbento upang mapadali ang mga gawain natin sa pang-araw-araw. Ang problema sa lumalagong bilang ng basura ang isa sa mga ninanais ng mga mananaliksik at mga imbentor na mabigyan ng agarang solusyon sapagkat ito ang nakikita nilang pinag-ugatan ng lahat ng mga suliraning panlipunan. Kung kaya’t ang ikatlong grupo ng mga estudyante ng S11-05 ng De La Salle Lipa ay nagkaroon ng mga hinuha na kinakailangan nilang magmungkahi ng isang produkto na magiging kapakipakinabang para sa komunidad na kanilang napili at maging ng mundo.Ang produkto nila ay naglalayong mabawasan ang tumataas na bilang ng mga tirang pagkain sa bawat kabahayan at kainan o karinderya. Ang produktong ito ay tinatawag na Probio Food Digester.

PROBIO FOOD DIGESTER

Ang Probio Food Digester ay naglalayong matugunan ang pangangailangan ng komunidad hinggil sa tumataas na bilang ng tirang pagkain upang maging isang kapakipakinabang na bagay. Ang produktong ito ay nagpoproseso ng mga organiko at tirang pagkain upang maging isang biogas na magagamit bilang isang renewable source of energy sa pagluluto ng bawat kabahayan at kainan o karinderya. Sa paggamit at paggawa ng Probio Food Digester gumagamit ito ng materyales na may matataas ng kalidad tulad ng: stainless steel drum, drain pipe sealing plug, PVC Inlet pipe, Aluminum flat range hood filter, hose Bibb Fauct VC gas hose LPG pipe, wire cage, power cable, heat lamp at stainless steel gas valve handle, upang makasiguradong matibay at magtatagal ang produktong ito at magiging kapakipakinabang para sa komunidad . Ang Probio Food Digester ay naglalaman ng mga hakbang upang mapagana ng maayos ang produkto na naaayon sa inaasam na resulta. Unang proseso ay ang paghahanda ng mga kinakailangan tulad ng tirang pagkain at uling. Ang mga organiko at tirang pagkain ay pagsasama-samahin at hahaluin upang ito ay maging madurog nang pino upang mapadali ang proseso ng paggamit. Ang pinaghalo-halong organiko at tirang pagkain ay diretsyong ilalagay sa loob ng Probio Food Digester sa pamamagitan ng PV inlet pipe at tatakpan ng drain pipe sealing plug upang walang pumasok na oxygen sa loob ng produkto. Ang uling ay ilalagay sa wire cage at hahayaang nakalagay doon ng mga dalawa hanggang tatlong oras upang mawala ang hindi kaaya-ayang amoy ng pinaghalo-halong organiko at tirang pagkain. Sumunod, bubuksan ang heat lamp upang sa gayon ay mapabilis ang proseso ng anaerobic digestion kung saan ito ang nangongolekta ng mga microorganisms sa mga organiko at nabubulok na basura upang maging biogas na gagamitin sa pagproseso ng Probio Food Digester. At huli, maghintay lamang ng pitong araw at maaari nang gamitin ang biogas na naipon sa Probio Food Digester upang gamitin na panluto ng mga kabahayan at kainan o karinderya. Ang naipon na biogas ay magagagamit sa pamamagitan nang pag konekta ng PVC gas hose LPG pipe sa mga kalan. Bilang karagdagan, may isa pang benepisyo ang maaaring makuha mula sa produkto, ang mga naprosesong tirang pagkain ay maaaring gamitin na pataba sa mga halaman at pananim sa komunidad.

Ang Probio Food Digester ay isang kapaki-pakinabang at malaking tulong para sa komunidad hinggil sa tumataas na bilang ng basura at pag-aaksaya na ating ginagawa. Layunin nito na mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang mga mamamayan na di lamang tutugon sa mga isyung panlipunan kundi maging personal. Kung tayo lamang ay matututong magtipid at pahalagahan ang mga bagay sa ating kapaligiran hindi na natin kakailanganin pang pahirapan ang ating mga sarili na tumuklas ng mga bagay na maaaring sumagot sa ating mga problema. Laging tatandaan, nasa sarili nating mga kamay at desisyon nakasalalay ang pag-unlad ng ating lipunan at mundong ginagalawan.

BIOSPECTRIC CORPORATION

Rebyu ng BI-CYCLE

ni Maricon R. Rosales

Ang CAPSTONE ay isang proyektong inilatag ng De La Salle Lipa na may layunin na hasain ang komunikasyon, kolaborasyon at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral. Ito ay nagsisilbing instrumento upang mamulat ang mga mag-aaral sa mga responsibilidad na kailangan nilang gampanan para sa lipunan at kapaligiran. Ito rin ay nagiging hamon kung paano makakabuo ang mga mag-aaral ng isang malikhain at kapaki-pakinabang na proyekto makakalutas sa isyu na kinakaharap ng napili nilang komunidad.

Ang malawak at patuloy na lumalaganap na isyu sa basura ay hindi na bago sa atin, hindi pa rin natin ito nabibigyan ng solusyon at hindi pa rin tayo kumikilos. Mula sa pira-pirasong kalat na minsan ay tinatangay ng hangin hanggang sa nagkukumpulang basura na nakatambak sa mga kalsada ay makikita kahit saan lumingon o magtungo. Kung kaya’t naman, isang pangkat mula sa S11-05 na binubuo ng pitong miyembro ay nakaisip ng isang proyekto na makakabawas sa mga basura na nakapagdudulot ng sakit at pinsala sa mga tao at sa kalikasan. Ang napiling komunidad ng grupo ay ang Barangay Balintawak. Inobserbahan nila ang kalagayan ng nabanggit na lugar. Napansin ng mga mag-aaral na walang maayos na lagayan ng basura ang kanilang lugar, magkakahalo ang mga nabubulok sa hindi nabubulok, ang mga bakanteng lote ay nagmistulang maliit na bersyon ng bundok na basura, kahit saan tumingin ay may mga nakakalat sa kalsada na plastik o kaya naman ay balat ng kendi, ang mga katas ng basura ay nakaka-akit ng mga lamok na dahilan ng dengue at iba pang sakit. Ito ang naging inspirasyon nila para mabuo ang waste shredder  na nais nilang maisakatuparan upang magkaroon ang mga mamamayan ng mas malinis at maayos na komunidad.

Ang proyektong nais maisagawa ng grupo upang matugunan ang isyu sa basura ay ang tinatawag na BI-CYCLE.  Ang mga materyales na kailangan para mabuo ang makina ay metal sheet, metal pole, bearings, bisikleta, metal gear, kadena ng bisikleta at grasa. Ang bawat piraso ng materyales na nabanggit ay ang magiging sangkap sa pagkakabuo ng makina na nakadisensyo para i-shred ang mga nabubulok at hindi nabubulok na basura. Nakapaloob sa shredder box ang metal sheet na magsisilbing dibisyon ng nabubulok na basura at recyclable na materyales. Ang funnel wall naman ang magiging gabay ng basura tungo sa shredder box. Samantalang ang funnel opening naman ang parte ng makina kung saan ilalagay ang mga basura handa na para i-shred. Sa ilalim ng shredder box, pagkatapos magiling ng basura, mayroong nakakabit na opening shield na magiging hadlang para hindi magsama ang basura at direkta itong pumunta sa nakatalaga nitong lalagyan sa pinakadulong bahagi ng makina. Ito ay mapapagana sa pamamagitan ng pagpipidal sa bisikletang nakakabit sa shredder box. Ang produktong ito ay hindi lamang napapaliit ang sukat ng basura, kundi pati na rin ay magagamit ang mga nagiling na nabubulok na basura upang maging organikong pataba at ang mga nagiling na recyclable materyales naman, kapag nahaluan ng semento ay maaaring gawing paso o kaya naman ay ibang produkto. Hindi rin ganon kadami ang pera na kailangan upang makabili ng materyales at mabuo ito, suwak lamang sa bulsa, makakatulong ka pa sa iyong komunidad. Hindi lamang basura ang pokus nito, kasama sa layunin ng produkto ang paghihikayat na magkaroon ng malusog at malakas na pangangatawan. Hinggil sa mga kalakasan ng BI-CYCLE, mayroon din kahinaan ang makinang ito. Isa sa magiging hadlang ng pagbuo ng makina ay nakabase sa kooperasyon ng mga mamamayan. Mahihirapan ang grupo sa pagsasagawa ng kanilang proyekto sa barangay kung hindi makiki-isa ang mga tao sa barangay. Hindi lamang kooperasyon ng grupo ang kailangan upang maging matagumpay ang paggawa ng makina. Isa pang balakid ay ang budyet, ito ay  kailangan para makabili ng mga materyales na gagamitin sa makina. Ang mga natukoy na kahinaan ng makina ay hindi magiging hadlang dahil sa determinasyon ng pangkat na makatulong sa mga komunidad at mas mapabuti ang kalagayan ng mga residente, mahihigitan nito ang kahinaan ng makina.

Tunay na kahanga-hanga ang dulot ng BI-CYCLE. Makakabawas ito ng mga problema tungkol sa kumakalap na isyu ng basura. Makakatulong din ang makinang ito para mas maging maayos, malinis at kaaya-aya ang mga lugar na paglalagyan ng makina. Magandang magkaroon ng ganitong makina sa bawat komunidad sa ating bansa dahil malaki ang magiging ambag nito upang mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran.

Inihahandog ng Cycling For A Change (CFAC) ang proyektong
BI-CYCLE

iHarvest

Dave Jarold T. Loyola

Ang pagtulong sa mga kapwa tao ng isa sa adhikain ng CAPSTONE Initiatives. Ibinigay ang CAPSTONE Initiatives sa mga estudante ng De La Salle Lipa dahil gusto nila maabot ang puso ng mga tao lalo na yun mga tao wasak na wasak nay un kaluluwa, sunod ay maturuan ang atin utak para sa ikakabuti ng atin kinabukasan at huli ay mapabago ang anyo ng atin buhay na maging mabuti tao tayo ating inang kalikasan.  Kaya noon nabigay sa amin ang pagkakataon maktulong kinuha naming yun at nagawa ang amin group na EcoWater. Ang EcoWater ay isang groupo na nabuo ng mga grupo ngestudante ng S11-05 ng De La Salle Lipa. Sila ang pumili ng Barangay Banay-Banay I San Jose, Batangas upang mabigyan tulong. Ang grupo muna ay nagsagawa ng mga interview at sarbey sa mga tao ng barangay upang malaman ang problema, ng nalaman nila ang problema nag-isip sila ng solusyon at naisip nila ang iHarvest.

Ang iHarvest ay isang prototype na naglilinis ng tubig galing sa ulan. Ito ay mayroon iba’t ibang filter sa loob katulad ng sand, gravel, at activated charcoal. Ang tawag ditto ay ang pre-filtration system ito ay nililinis ang tubig at tinatanggal ang mga baktery sa tubig at inaalis ang kulay at baho ng tubig dahil sa activated charcoal. Pagkatapos dumaan sa pre-filtration system ito naman ay dadaan sa UV filtration system­ kung saan mayroon UV light na magtatanggal ng mga micro bakterya.Dahil ang ulan ay isa sa mga malinis na tubig pero dahil sa polusyon nagkakaroon ng dumi ang tubig galling sa ulan. Kaya nagkaroon ng filtration system ang iHarvest upang matanggal ang dumi na nakalahok sa tubig dahil sa polusyon. Kaya din ito nagawa upang mabawasan ang pagbaha, bawasan ang bayarin sa tubig at bawasan ang demanda ng tubig bukal. Ito ay gumagawa ng tubig na wala halong bakterya para makaiwas sa mga water borne diseases.

Upang maslalo magustuhan ng mga tao ang produkto ay maaring makapag gawa ng malinis na tubig na posible mainom ng mga tao. Ang gusto lang ng kumpanya ay makatulong sa mga tao at maipakita sa kanila ang halaga ng ating mundo at dapat bigyan halaga ang kalikasan.

Bi-Cycle (Cycling for a Change)

ni Erain Angellie Latay

Ang De La Salle Lipa ay naglalayon na maibsan ang mga problema sa Lipa Batangas kaya sila ay nagsagawa ng CAPSTONE. Ang CAPSTONE o Community-based-Action-Plan-addressing-Strategically-Themed-Objectives-through-a-Networked-Environment ay may layunin na maturuan ang mga mag-aaral na magsama-sama at magtulungan. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng oportunidad ang mga mag-aaral na magpalitan ng mga bagong ideya na gagawa ng malaking epekto sa komunidad. Matututunan din nila na magkaroon ng kritikal na pagiisip at umakto upang punahin ang mga isyu at balakid sa komunidad sa pamamagitan ng CAPSTONE.

Isa sa mga problema ngayong henerasyon ay ang basura. Basura ay madalas nakikita sa mga daan, kanal, dagat at iba pang lugar na ating pinupuntahan. Ang basura ay mga bagay na hindi na kinakailangan at hindi na magagamit kung kaya ito ay itinatapon na lamang. Dahil sa kawalan ng respeto sa kalikasan, ang mga tao ay nagtatapon ng basura kung saan saan. Nasisira ang ating mga yamang lupa at tubig dahil nagdudulot ng negatibong epekto sa klima ang basurang ating naiipon. Nagkakaroon ng polusyon sa lupa,hangin, at tubig na nagreresulta ng pagkaubos ng ating yaman at pagkamatay ng mga nanganganib na uri ng hayop.

Larawan ng likod ng Public Market o Palengke (c) Google Image

Ang Bi-Cycle ay nanggaling sa mga katagang Bike at Recycle. Ang produktong ito ay naglalayon na maibsan ang basura na biodegradable at non-biodegradable. Ang mga basura na inilalagay sa Bi-Cycle ay mawawasak at magiging maliit na piraso lamang at gagawin itong panibagong produkto. Ang mga biodegradable ay maaaring gawin na pataba upang matulungan ang barangay na magkaroon ng matabang lupa na pwede nilang taniman at pagkakitaan. Ang mga non-biodegradable naman ay maaaring isama sa semento dahil matagal itong madecompose. Ang isang Solid Waste shredder ay nagkakahalagang 4,000 USD o 208,333.33 Pesos. Ang Bi-Cycle ay nasa presyo lamang na 10,775 Pesos. Ang Bi-Cycle ay pinapatakbo ng tao upang gumana. Ito ay mukhang bisikleta na may konektang dalawang shredder. Ang maaaring maging epekto nito sa Barangay Balintawak ay maiibsan ang basura sa paligid at mababawasan din ang sakit na maaaring makuha ng mga bata at matatanda sa basura.

From Left to Right: Kenneth Carandang, Erain Angellie Latay, Ahna Eguia, Maricon Rosales, Ayen Lojo, Kennethyn Cuello